ANG 1XPARTNERS AY ISANG MABILIS NA PARAAN PARA MAGSIMULANG KUMITA NGAYON MULA SA IYONG TRAFFIC
Maligayang pagdating sa 1xPartners affiliate program! Naghanda kami ng maikling gabay upang tulungan kang mapag-aralan agad ang sistema at magsimulang magtrabaho.

Step 1 - Pangunahing menu
Ang una mong makikita ay ang pangunahing menu. Kabilang dito ang pangunahing impormasyon tungkol sa mga resulta ng iyong ginawa.

Makakakita ka rin ng isang mensahe na naglalaman ng pinakabgong referral domain para sa iyong affiliate link

Maaari mong piliin ang “Huwag nang ipakita”, kung naaapektuhan ka ng anumang nakahadlang. Ipapadala sa iyong email at Telegram ang aktwal na address ng domain. Kailangan mong makisabay sa mga update ng domain (kadalasang naa-update isang beses sa isang araw), dahil minsan ay naka-block ang mga ito.
Step 2 - Pagkakaroon ng website

Kinakailangan ang pagkakaroon ng tunay na traffic para sa kolaborasyon. Para magdagdag ng sarili mong mga resource (website), kailangan mong pumunta sa seksyon ng “Magdagdag ng website”, sagutan ang lahat ng kinakailangang patlang, at pindutin ang button na “Magdagdag”. Lalabas ang website sa isang listahan, pati na rin sa patlang, kapag nagawa na ito. Kailangan ito upang makita natin kung saan nanggagaling ang traffic ng mga customer, at tiyaking hindi ka gumagamit ng anumang ipinagbabawal na pinagmumulan ng traffic sa pag-promote ng 1xBet. Makakalikha ka rin ng ibang mga referral link at masusubaybayan ang pagiging epektibo ng iyong traffic.

Step 3 - Mga promo material

Ang mga marketing material (mga banner) mula sa iyong account ay maglalaman na ng affiliate (tracking) link.
Para mahanap ang mga ito, pumunta sa seksyon ng “Mga tool ng marketing”, piliin ang “Mga marketing material”, at pindutin ang “Code”. Kailangan mong kopyahin ang code na ito at i-post sa iyong website.

Tandaan na maaaring makagawa ng mga banner para sa bawat website, na nakaayos ayon sa format at sukat.
Kung magda-download ka ng banner, hindi na ito maglalaman ng code – isa lang itong larawan na maaari mong gamitin para idagdag ang iyong affiliate link. Kung nahihirapan ka sa pagdagdag ng banner sa iyong website, maaari kang makipag-ugnayan sa Customer Support team at tutulungan ka ng isa sa aming mga teknikal na espesyalista.
Step 4 - Paglikha ng affiliate link

Ang iyong affiliate link ay naglalaman ng natatanging identifier upang maitalaga sa iyo ang mga customer na ni-refer mo.
Maaari kang lumikha ng affiliate link sa seksyon ng “Mga affiliate link”.
Landing page: Dito pino-post ang link sa kasalukuyang promo ng 1xBet na pino-promote mo.
SubID: Kailangan mong magdagdag ng SubID sa iyong link, dahil nakakatulong ito upang epektibo mong masubaybayan ang iyong mga resulta! Ipagpalagay natin na nagpo-promote ka ng offer kaugnay ng isang esports tournament, halimbawa ang “CS:GO Championship”. Maaari mong irehistro ang SubID “csgo_championship”. Sa kasong ito, lahat ng click-through mula sa mga banner na kaugnay ng event na ito ay maipapakita sa iyong statistics gamit ang tag na “csgo_championship”. Mauunawaan mo kung aling kampanya ang mas gusto ng iyong audience, at kung alin ang hindi. Maaari mo ring palakasin ang epekto nito gamit ang mga indibidwal na promo code.
Step 5 - Mga promo code

Ang mga promo code ay isang mahusay na paraan upang makuha ang atensyon ng mga customer at pagbutihin ang iyong offer.
Magagamit ito ng mga customer para makakuha ng dagdag na bonus sa panahon ng pagpaparehistro, at makakatulong na palakasin ang iyong mga conversion rate.
Ilang minuto lang ang kinakailangan sa paglikha ng promo code. Piliin lang ang website na nais mo at pindutin ang button na “Lumikha”.

Posibleng lumikha ng indibidwal na promo code bilang isang serye ng mga numero – magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iyong affiliate program manager o Customer Support team.
Mahalaga! Huwag lumikha ng mga promo code kung hindi mo ito kailangan, dahil limitado lamang ang bilang ng mga code ng bawat affiliate.
Step 6 - Mga report

Ina-update ang affiliate program statistics kada oras, at kinakalkula ang komisyon sa susunod na araw.
Sa pangunahing pahina ng iyong account, makakakita ka ng mabilisang stats, tulad ng:
- Halagang pwedeng i-withdraw
- Komisyon kahapon
- Nakaraang buwan
- Nakaraang 30 araw at sa lahat ng oras
Nagbibigay ng mas detalyadong analytics ang hiwalay na seksyon ng “Mga report”:
Ang maikling ulat ng pangkalahatang-ideya – ay nagpapakita ng pangkalahatang statistical na datos para sa piling panahon. Makikita mo ang impormasyon tungkol sa ibang mga website o media channel.

Step 7 - Mga withdrawal

Para matanggap ang una mong bayad, kailangan mong makipag-ugnayan sa Customer Support team ng affiliate program. Pagkatapos noon, awtomatikong mapoproseso ang iyong mga payout.
Ang mga pagbabayad ay ginagawa isang beses sa bawat linggo tuwing Martes para sa mga panahon mula Lunes hanggang Linggo ng nagdaang linggo, kung ang kinitang halaga ay mas mataas sa minimum na halaga ng pag-withdraw: $30.
Ipinapakita sa pangunahing pahina ng iyong account ang halaga na maaaring i-withdraw – ito ay kinakalkula tuwing Lunes.
Mahahanap sa seksyon ng “Kasaysayan ng payout” ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa makukuhang halaga.

MGA CONTACT
Ikinalulugod naming tulungan ka kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa paggana ng affiliate program.
[email protected] https://t.me/partner1x_bot
